Poetry
Late Light
By: Priscilla Supnet Macansantos
“Everything you love, you will eventually lose, but in the end,
love will return in a different way.”
-Franz Kafka
The birds are first to sense
The silent creep of autumn
Into winter.
Perhaps it is the nearly imperceptible wind passing,
A shift in the way
Light falls on the canopy of trees
And like clockwork, the flock gathers
Ready for the journey, made over and over,
The certain memory of flyways
Etched like a map, in their veins.
Meanwhile I see us
Quietly brooding
Over the coming of winter
Ruing the many departures,
Feeling disquiet in the late light,
And the gathering dusk.
How is it that we seem more fragile
Unable to gladly yield
To the turning of seasons
As though rooted to a time, and space?
The birds have something to teach us
About finding our way through the darkening sky
Taming our longing for the joy of gone seasons
With the memory of the dance, a delight in that moment
Of rapture, in our younger, unencumbered hearts.
These loves stay, memory runnels through our aging bodies
And lives on, like maps, leading us home.
Look!
After sundown comes the gift
The soft glow of moonlight
And the distant chatter of birds, preparing to roost.
*****
Liwanag sa Dapithapon
Salin ni: Priscilla Supnet Macansantos
“Ang lahat ng iyong minamahal ay mawawala sa iyo, subalit sa huli,
ang pag-ibig ay babalik, sa ibang paraan.”
– Franz Kafka
Ang mga ibon ang unang nakakaramdam
Ng tahimik na gapang ng taglagas
Patungo sa taglamig.
Marahil, ito’y dala ng di gaanong ramdam na simoy ng hangin
Ang nag-ibang pagdapo ng liwanag
Sa mga dahon, sa tuktok ng mga puno
At walang anumang pag-aatubili,
Ang pangkat ay nagtitipon tipon
Handang lumuwas, upang muling maglakbay
Tulad ng kinagawian, sa tuwi-tuwina,
Mistulang alaalang nakaukit
Sa kanya-kanyang mga ugat.
Samantala, tayo’y
Tahimik subalit namamanglaw
Sa nagbabadyang taglamig
Nagdadalamhati sa maraming pamamaalam
Nababagabag sa unti-unting pagkupas ng liwanag
At sa pagdating ng dapithapon.
Sa anong kadahilanan na tayo’y
Mistulang kayrupok
At walang kakayanang sumabay sa paglipas ng panahon
Wari’y nakaugat sa natatanging pook at iisang panahon?
May aral na dulot ang mga ibon
Ukol sa pagtukoy ng daanan sa nagdidilim na kalangitan
Sa pagpapayapa sa ating pangungulila sa kagalakan
Ng nagdaang panahon
Mga alaala ng indayog, ng di matawarang tuwa
Ng ating higit na nakababatang panahon at diwa.
Ang pag-ibig na ito ay mananatili, ang mga alaala ay nananalaytay
Sa ating mga katawang sumabay sa pagdaan ng mga taon,
Mistula itong mga mapa, giya pabalik sa ating tahanan.
Masdan,
Pagkalipas ng dapithapon ang pagdating ng handog
Ng malamyos na liwanag ng buwan
At ang huni ng mga ibong
Naghahandang mamahinga.
Dr. Priscilla Supnet Macansantos served as Dean of the UP College Baguio from June 1, 2000 to December 1, 2002. She served three consecutive terms as Chancellor of UP Baguio from 2002-2012. Dr. Supnet Macansantos is a Professor of Mathematics and a multi-awarded poet. She retired this year and is now a Professorial Lecturer for the Department of Mathematics and Computer Science (DMCS), College of Science.
On the poem, Dr. Supnet Macansantos says she “wrote the poem (originally in English) last year, and did the translation early this year. Though not specifically meant for Prof. Benjie Marzan, I read the poem now and remember him, a gentle colleague who has left us quietly, this year.”
Para kay Ma’am Precy
ni: Jerico B. Bacani
Sa UP Baguio, kung may isang babae na iniidolong lubos
Dahil sa kaniyang gawa, at mapagkumbinsing salita at utos
Komunidad mismo ang magpapatunay, makapagbibigay ng datos,
Walang iba kundi ang respetadong Prop. Priscilla S. Macansantos.
Pangalan pa lang, institusyon na si Ma’am Precy
Naging CHANcellor PreCY, kaya nakilalang CHANCY
Tadhana nila di ko lang masabi
Sa pangalan nila mismo nakaukit, nakatali.
Unahin natin ang pangalang PRISCILLA
Salitang SPIRAL ating makikita
Kaya naman naging dalubhasa sa matematika
Galing niya’y ipinasa sa mga estudyante niya.
PILLARS kay gandang matanto sa pangalan po ninyo
Haligi kayong totoo sa UP Baguio,
Lalo na sa ating munting departamento
Nagtulak papasulong ng mga programang pang-akademiko.
Regalo ni sir Butch sa inyo ang MACANSANTOS
Ang malimit ninyong pagpunta sa Manaoag ay dahil sa SANTOS
MACAN ang dahilan ba’t kayo mahilig kumain ng talbos
Kaya pag nagpablow-out na po kayo, lahat ay ayos.
Mahusay po kayo di’ lang sa numero kundi pati sa literatura
Kaya nabigyan ng Gawad Palanca, kahanga-hanga talaga
Di kataka-taka kung sa apelyido ninyo mabubuo ang SONATA
Lalo na kung malagyan ni Monica ng magagandang melodiya ang inyong mga tula.
Pasensya na ma’am, ang pagiging moody po ninyo ay dahil sa SUPNET
Diyan kasi mababasa ang salitang UPSET
Pero mabubuo rin ang UP TENS – kaya buhay niyo at UP ay magkadikit
Pati rin ang UP SENT – kaya sa UP kayo magreretiro, maraming salamat po sa malasakit.
Ang aabangan na lang namin ma’am ay kung kailan kayo magiging…
PRECY-dente ☺
Isang karangalan na makilala po kayo, maging estudyante ninyo at makatrabaho.
Maraming Salamat po.
Isang mapagpalang kaarawan at maligayang pagreretiro, Ma’am Precy ☺
Dr. Jerico B. Bacani is a Professor of Mathematics. He is a UP Scientist who writes poetry from time to time.
Paano nga ba magbilang?
Ni: Benjamin George P. Meamo
Paano nga ba magbilang?
Paano nga ba ang magbilang nang paulit ulit?
24.
Dalawampu’t apat lamang ang oras sa iisang araw.
20.
Mahigit dalawampung buwan na nating hinaharap ang pandemya
at ang hasik nitong sinaklaw.
18.
Labing-walong tao na ang nakilala kong pumanaw.
14.
Labing-apat sa tuwing takot na lumalabas at nakikipagsapalaran
ang binibilang nating araw.
12.
Labindalawa o higit pang oras ang nakalaan para sagutin ang emails,
gawin ang lectures, at harapin ang mga isyung lahat tayo ay binabalahaw.
8.
Walong taon bago ka ma-tenure or out. Walong dekada rin bang
hihintayin ang Sagad Awards at plantilla items o
hanggang ang usapin ay tuluyan nang pugaran ng mga langaw?
5.
Lima, anim, pito o higit pa ang mga gawain mo
bago tuluyan ang log out sa isang nagdaang araw.
3.
Tatlong beses na pagkain ay patuloy pa rin nating itininatawid sa araw-araw.
2.
Dalawang buntong-hininga.
Dalawang pares ng kamay at mga paa.
Dalawang taon ng patuloy na pangangamba.
Dalawang araw sa isang linggo ay hindi na rin talaga pahinga.
Dahil,
1.
Iisa lamang ang ating katawan.
Pero, iisa lamang din ang nais nating makamtan.
Ang itagumpay ang tunay nating karapatan.
Ang maging ako ang ikaw,
At, maging atin ang tunay na atin.
Marunong ba ang gobyerno magbilang?
Tayo, oo.
Marunong ba ang UP magbilang?
Dapat ay oo.
Marunong ba ang taumbayan magbilang?
Kung para sa paniningil, ang sagot ay oo.
Dahil ang paniningil ay alam na alam
ng mga tulad nating may dugong unyonismo.
Off Hours is Ours.
Dapat All.
Benjamin George P. Meamo is an Instructor of Broadcast Communication and Speech Communication. He is currently pursuing his MA Broadcast Communication in UP Diliman. He wrote this poem as his contribution to the call for “OFF HOURS IS OURS” of the All UP Academic Employees’ Union-Baguio Chapter.