ESSAY
“If my dough doesn’t feel or look right, I keep working until I feel it is right. I wish I could boast of toned arms, but I lay no claim to that.”
Baking Lessons
by Jasmin G. Bayquen
What other perks to baking could there be other than the food itself? People bake to eat, don’t they? That was how I started. I only wanted to eat, and many times, what I wanted to eat wasn’t readily available. I learned to rely on myself to make what I wanted. I’ve been baking for years, but like so many during this pandemic, it has taken on a new meaning. Whether one says stress baking or pandemic baking, I understand that baking is not just a hobby these days, but a coping mechanism. We cope in different ways, and my chosen method of staying sane is using my oven. As it turns out, this hobby/coping mechanism has more to offer than the finished product.
Kneading bread is not for the weak of arms. If my heart is set on lovely chewy bread, I have to put in the work. That means working the dough until it is satiny and elastic. It is this step that will evenly spread my yeast and create air pockets for gas which will add volume to my dough. Some days I am more tired than usual, so kneading takes longer. On days I’m in fine form, I take less time. I don’t believe a recipe that tells me to knead seven minutes only. Instructions do not account for individual situations, so lesson number one is learning to be more intuitive as a baker. I have had to learn to trust my instincts and not just rely on a recipe because it tells me to knead for seven minutes. If my dough doesn’t feel or look right, I keep working until I feel it is right. I wish I could boast of toned arms, but I lay no claim to that.
Baking does not end when I take my goods out of the oven. More often than not, there is some “artsy” movement involved. By that, I mean I have to decorate or prettify what I made to make it more pleasing to the eyes. It’s a rare occurrence to see a bare cake for sale because people want “pretty” along with taste. I am no different. What this has taught me is to be more discerning or discriminating. I cannot tempt my son to eat just because I say something tastes good. As a visual creature, his food has to appeal to his sight as much as his palate. This is where a discerning eye is needed as I decorate cakes and cookies or artfully enhance the appearance of food. Something delicious served attractively is instantly elevated to a masterpiece.
I learned to cook by watching my mother and other relatives prepare food for the family. One thing they had in common was an ability to gauge flavor by smell and taste only. I never saw them use measuring spoons. So that was how I learned to cook too. However, when I started to bake, eyeballing required quantities was simply not possible. However, when I started to bake, eyeballing required quantities was simply not possible. From measuring cups and spoons, I graduated to using a scale to be more exact in my measurements. I also learned to use percentages to scale up or down depending on whether I wanted to make more or less than the actual recipe. This is where science meets art; exact measurements mean more consistent results. There is no room for guesswork in baking. This was a benefit I never saw coming. I do not like math, but being a baker means better math skills.
My son learned to bake the same way I learned to cook. From watching, he has progressed to making whatever he fancies. Our conversations inevitably feature food. Though, I expect my son to surpass my skills, as of this writing, I’m still the one he asks to troubleshoot his recipes. By far, the best perk of my baking is producing a second-generation baker. Having a shared interest with my son makes me closer to him which is a most gratifying feeling for a mother. There is comfort knowing my son will never go hungry on his own. Maybe someday, he will also realize lessons from his own baking experience.
Knowing that food is not the only benefit of baking, I understand, more than ever, why people turn to their ovens not just in times of happiness but distress too. Who would have thought that strength training, intuition, discernment, and math skills featured largely in baking? Maybe I’m the only one saying these things because there are what I know. Baking is different for every person. Others have their own lessons. One thing is certain, the lessons and perks linger long after the food has been eaten. All photos are from the Author.
PAPER
Ang papel na ito ay binasa ng may-akda bilang inanyayahang tagapanayam sa isang online talakayan sa Facebook page ng City of Santiago, Isabela noong 25 Agosto 2021.
Ang Wikang Filipino sa isang Multilinggwal na Lipunan
Ni Felicisimo G. Galletes, Jr.
Narito ako para talakayin ang paksang “Ang Wikang Filipino sa isang Multilinggwal na Lipunan.” Ito ay nakabatay sa tema ng pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa 2021 na may temang “Filipino at Wikang Katutubo sa Dekolonisasyon ng Pag- iisip ng mga Pilipino.”
Ang Filipino, gaya ng alam na nating lahat, ay ang pambansang wika ng Pilipinas. Alinsunod ito sa itinatadhana ng 1987 Konstitusyon, Artikulo XIV, Seksyon 6 at 7. Doon ay mababasa natin na ang Filipino bilang wikang pambansa ay patuloy na nililinang, pinagyayaman at pinagyayabong salig sa umiiral na mga wika sa Pilipinas at sa iba pang mga wika.
Nais nating idiin ang mga salitang “salig sa mga umiiral na wika sa Pilipinas.” Samakatwid, malinaw na may iba pang mga wika sa Pilipinas.
Ito ang tinutukoy na wikang katutubo. Ang wikang katutubo, ayon kay Almario, dating punong komisyoner ng Komisyon sa Wikang Filipino, ay “alinman sa mga wika na sinuso ng isang tao na ang mga magulang ay may angkang katutubo o taal (native) sa Filipinas…”
Sa ulat, may humigit-kumulang isandaang mga katutubong wika sa Pilipinas. Oo, ganyan karami ang mga wika sa ating bansa at hindi lamang walo o sampu.
Dumako tayo sa ikatlong termino, ang dekolonisasyon. Ang salitang ito ay direktang salin ng salitang Ingles na decolonization. Mula sa depinisiyong ibinigay ng Oxford Languages, mauunawaan na ito ay nagpapahiwatig ng pagkalas at pagtiwalag sa impluwensya ng mga dating mananakop o colonizer tungo sa landas ng tunay na paglaya o pagsasarili bilang isang estado o bansa.
Ngayong malinaw na ang mga konseptong ito, mahalagang malaman kung ano-ano ang mga dapat idekolonisa lalo na kung mga wika sa Pilipinas ang pag-uusapan. Tatalakayin natin ang ilan sa mga ito ngayong araw.
Buweno, marahil pamilyar na kayo sa madalas-sipiin at banggiting kasabihang ito tuwing Buwan ng Wika: “ang hindi magmahal sa kanyang salita (wika), mahigit sa hayop at malansang isda.”
Ang siniping pahayag ay mga taludtod mula sa isang kilalang tula na pinaniniwalaang isinulat ni Jose Rizal noong siya ay pitong taong gulang pa lamang. Ito ang madalas na gamiting linya ng mga kababayan natin tuwing sasapit ang buwan ng Agosto. Pagpapaalala umano ito na dapat gamitin ng mga Pilipino ang sariling wika upang hindi maituring na mas masahol pa kaysa sa hayop at malansang isda.
Ngunit kung susuriin ang mga pananalitang ito, may mga babangon na problema. Una, ipinakikita ng historyador na si Ambeth Ocampo sa kanyang pananaliksik na may posibilidad na hindi si Rizal ang sumulat ng tulang ito. Samakatuwid, maaari nating ipagpalagay na hindi ito ang paniniwala ni Rizal. Ikalawa, ang sariling salita o wika na na tinutukoy sa tula ay Tagalog ayon sa konteksto. Ngunit ipinakikita ng Ethnologue.com na ang mga Pilipino ay may iba’t ibang unang wika o katutubong wika. Sa katunayan, mahigit sa isandaang wika ang itinuturing na “sariling salita o wika” ng milyon-milyong mga Pilipino. Ang Filipino, sa kabilang dako, ay pangalawang wika lamang ayon sa ulat ng nabanggit na sanggunian.
Malinaw na isa sa mga dapat nang idekolonisa ay ang maling pagtingin na ang mga wikang sinasalita sa kabisera ang siya lamang totoong wika at diyalekto na ang mga wikang ginagamit sa mga probinsya.
Hindi naman kasi magkasingkahulugan ang wika at diyalekto. Ayon kina Paz, Hernandez, at Peneyra, ang wika ay sistema ng arbitraryong mga vokal-simbol na ginagamit ng miyembro ng isang komunidad sa kanilang komunikasyon at interaksyon sa isa’t isa. Ang isang wika ay may sariling gramatika na naiiba sa iba pang mga wika. Totoo na ang isang wika ay instrumento ng komunikasyon ng isang tiyak na grupo. Sa Pilipinas, kadalasan nang ibinibilang ng isa ang kanyang sarili ayon sa wikang kanyang sinasalita. Kaya ang mga Tagalog ay nagsasalita ng Tagalog, ang mga Ilokano ay nagsasalita ng Ilokano/Iloko, at ang mga Bisaya ay nagsasalita ng Binisaya/Cebuano. Masasabi nating nagsasalita ng magkaibang wika ang dalawang tao kung hindi sila nagkakaintindihan o walang mutual intelligibility.
Bagaman masasabi na magkakamag-anak ang mga wika sa Pilipinas, may kani-kaniyang katangian pa rin ang bawat isa. Halimbawa, maaaring hindi magkaintindihan ang isang Tagalog at isang Ilokano kapag nakita ang salitang pigsa dahil ito ay isang uri ng impeksyon sa balat para sa mga Tagalog ngunit “lakas o strength” naman ang katumbas nito sa Ilokano. Maaaring magkapareho nga ang ispeling at bigkas ng dalawang salita ngunit nagmula ang mga ito sa dalawang magkaibang wika.
Sa kabilang dako, diyalekto naman ang tawag natin sa barayti ng isang wika na nakadepende sa heograpikal na lokasyon nito. Iba ang Tagalog ng mga nakatira sa Maynila at iba rin ang Tagalog ng mga taga-Quezon. Kaya naman maaaring magkalituhan kung ang isang Tagalog-Maynila at ang isang Tagalog-Quezon ay nag-usap at mabanggit ang paglalandi. Bagaman parehong Tagalog ang dalawang mananalita, iba ang kahulugan ng paglalandi sa isang taga-Quezon (paglalaro ng tubig) kaysa sa marahil ay alam ng isang taga-Maynila (ibang uri ng pakikipaglaro). Kung susuriin ang pagpapakahulugan, malapit pa rin ang kahulugan ng dalawang salita dahil iisang wika pa rin naman ang pinagmulan nito. Samakatwid, ang isang diyalekto ay varayti ng isang wika na naaapektuhan dahil sa lokasyon nito at bunga na rin ng pakikipagtagpo nito sa ibang mga wika na mga kalapit na lugar na maaaring ibang wika na ang ginagamit. Maaring iisang wika ang kanilang ginagamit ngunit magkaiba ng punto o accent o kaya naman ay tono sa pagsasalita. Isang halimbawa, sa aking personal na karanasan, yamang lumaki akong Ilokano sa Pangasinan, akala ko ay parte talaga ng wikang Ilokano ang katagang balet (pero) sapagkat karaniwan itong nagagamit ng mga kakilala kong Ilokano-Pangasinense. Ngunit nalaman ko na wala nito sa mga Ilokanong taga-Ilocos Norte at wala rin sa mga Ilokanong nakatira sa Baguio.
Kung gayon, malinaw na magkaiba ang wika ng dalawang mananalita kung hindi nila naiintindihan ang isa’t isa. Samakatwid, kung babalikan natin ang popular na taludtod ng tulang nabanggit kanina, iba-iba ang sariling salita o wika ng mga Pilipino. Hindi natin dapat asahan kung gayon na iisang wika lamang ang dapat niyang gamitin at dapat tangkilikin.
Isa sa dapat nating idekolonisa ay ang monolinggwal na perspektiba. Ang pananaw na ito ay nagsasabi na ang totoong wika ay ang sinasalita lamang sa kabisera at diyalekto na ang iba pa.
Marami pa ring Pilipino ang may ganyang pangmalas hanggang sa kasalukuyan. Mababa ang pagtingin nila sa kanilang sariling wika dahil hindi nila ito napapanood sa telebisyon o nagiging punto pa nga ng katatawanan sa ilang mga programa.
Bakit nga ba tayo nagkaroon ng ganitong perspektiba patungkol sa mga katutubong wika sa Pilipinas? Maiuugnay natin ito sa kasaysayan ng kolonisasyon o pananakop ng mga Espanyol at Amerikano. Yamang dala-dala nila ang kanilang wika sa ating bansa at nais nilang ipasok sa ating isipan na ang kanilang wika ay superyor, tinawag nilang diyalekto ang iba pang mga wikang sinasalita sa labas ng kabisera o kapital ng bansa. Sa totoo, ang mga mananakop natin ay talagang nanggaling sa mga monolinggwal na bansa. Ibig sabihin, iisa lang ang kanilang wika at kung may minorya man ay kakaunti lamang at ginagamit na sa labas ng kabisera. At yamang mababa at di-sibilisado ang tingin nila sa mga bansang kanilang sinasakop, itinatanim din nila sa isipan ng mga kolonya na mababa ang kanilang mga wika at doon pumasok ang kaisipang diyalekto lang ang mga ito.
Kaya isang paraan ng pagdekolonisa sa ating kaisipan ay ang pagtalikod sa monolinggwal na perspektiba sa Pilipinas. Mayaman at sari-sari ang mga wika sa Pilipinas. Bawat wikang ito ay may kani-kaniyang kultura. Bawat isa ay may mananalita. Bawat isa ay may pagkakakilanlan. Bahagi ng pagdedekolonisa ng ating kaisipan ay ang katotohanang bahagi tayo ng isang multilinggwal na lipunan. Hindi natin dapat pagtawanan ang mga salita o ituring na bastos ang kanilang wika dahil lamang hindi natin ito nauunawaan agad. Ang wastong kaunawaan sa mga wika ng Pilipinas ay isang uri ng pagpapalaya.
Ang isa pang bagay na dapat idekolonisa ng mga Pilipino tungkol sa wika ay ang angkop na dako ng Filipino bilang isang wikang pambansa. Ang isang lingua franca ay isang komon na wika na ginagamit ng mas maraming tao na may iba’t ibang wika upang magkaunawaan at makipag-ugnayan sa isa’t isa. Ngunit bakit kailangan ng isang bansang multilinggwal gaya ng Pilipinas ang isang pambansang lingua franca?
Ang isang mahalagang sagot ay para makabuo tayo ng isang matatag na bansa. Ang pagiging matatag ng bansa ay makakamit sa pamamagitan ng pagkakaisa. Totoo na may kagandahan sa gitna ng pagkakaiba-iba o pagkasamot-sari ng mga wika sa Pilipinas. Ngunit ito rin ang siyang ginamit na alas ng mga mananakop para alipinin tayo sa mahabang panahon. Ang paggamit ng wikang pambansa ay inilarawan ni Rizal sa kanyang nobelang El Filibusterismo na paraan upang mapagsasama-sama ang malilit na patak ng tubig at mga ilog upang maging isang delubyo na siyang lulunod sa mga mananakop. Mula noong Rebolusyon ng 1896, mithiin na ng mga naging lider ng bansa mula kay Andres Bonifacio na magkaisa ang mga Pilipino para makaalpas sa mga impluwensya ng mga dayuhan. At paano mapagkaisa ang iba’t ibang etnolinggwistiking grupong ito sa pamamagitan ng isang pambansang lingua franca.
Sa totoo lang, bawat rehiyon ng Pilipinas ay matagal nang may ginagamit na mga lingua franca para sa kanilang pakikipag-ugnayan sa iba pang etnolinggwistikong grupo. Sa Hilagang Luzon ay Ilokano, sa Gitna at Timog Luzon ay Tagalog samantalang Binisaya naman sa Visayas at Mindanao. Ang mga lingua francang ito ay natutuhan lamang din ng iba’t ibang mga etnolinggwistikong grupo upang makakonekta sa mas malaking populasyon ng isang tiyak na lugar. Ngunit isang hamon pa rin na lubusang magkaunawaan ang mga Pilipino kung nahahati pa rin ito sa mga rehiyonal na lingua franca.
Maraming politiko at akademista ang nakaisip na pag-ugnay in ang mga pulo gamit ang Ingles. Ngunit ang problema, kung linggwistiks ang pag-uusapan, mas mahirap matutuhan ng isang karaniwang Pilipino ang Ingles dahil magkaiba ang katangian at istruktura nito kung ikukumpara sa mga wika ng Pilipinas. Samakatwid, maaari itong magresulta ng higit na pagkakabaha- bahagi at tendensya na magkaroon ng pag-uuri-uri sa lipunang kung saan Ingles ang wika ng mga naghaharing uri (elite) at wika ng Pilipinas naman ang wika ng mga nasa laylayan ng lipunan. Batay sa unibersal na nukleyus ng mga wika, ang mga wika sa Pilipinas ay may pare-parehong katangian bilang mga wikang kabilang sa angkan ng Austronesyo. Ito ay nagpapangyaring maging mas madaling matutuhan ng Pilipino ang iba pang wika ng bansa kung gugustuhin niya. Maraming wika sa Pilipinas sa katunayan ang nagkakapareho ng gramatika, leksikon o talasalitaan, at maging ang pagbubuo ng salita at pangungusap. Isang bagay na malayo kung ikukumpara sa Ingles, na isang wikang West Germanic. Ibig sabihin, ibang-iba kung ikukumpara sa mga wika ng Pilipinas.
Mula pa noong 1987, mahalaga ang naging papel ng Filipino para maging isang pambansang lingua franca. Matagumpay itong nakapasok sa mga panitikan, midya, at kulturang popular ng mga Pilipino. Naging wika ito ng masa. Naging wika ito para ipahayag ng mga mamamayan ang kanilang hinaing sa pamahalaan maging ang pagtuligsa sa katiwalian at pang-aabuso sa kapangyarihan. Naging demokratikong wika ito na malayang ginamit sa iba’t ibang bahagi ng bansa hindi lamang sa Maynila na siyang pinanggalingan nito. Mula sa isang dating Tagalog- Maynila, ang Filipino ay nag-evolve ayon sa kung ano ito sa ng ayon, ang wikang binuo ng patuloy na paggamit ng iba’t ibang etnolinggwistikong grupo.
Nagtagumpay ang Filipino sapagkat lubusan itong niyakap ng ating mga kababayan. Sa tulong na rin ng mga polisiya ng mga dating lider ng bansa, naituro ito sa mga paaralan kasabay ng Inges at naging isa sa mga malawakang L2 o pangalawang wika ng mga Pilipino.
Ang pambansang lingua franca ay wika ng bawat Pilipino. Ito ay madaling matutunan sapagkat ito ay wika ng masa. Demokratiko ang wikang ito. At napauunlad ito sa pamamagitan ng patuluyang paggamit. Kung gayon, isa pang maling kaisipan na dapat idekolonisa ay tungkol sa pagkawika ng Filipino. Inaakusahan ng mga kritiko ng wikang pambansa ang Filipino bilang isang artipisyal na likha o imbento lamang ng ilang linggwist. Ang ganitong kaisipan ay naglalayong tanggalan ng kredibilidad ang Filipino bilang wika nang sa gayon ay maiangat ang Ingles. Masasabi natin na nag-ugat ang ganitong kaisipan dahil sa loob ng ilang panahon, may mga lider pangwika na nagsikap na gawing purong Tagalog ang Filipino. Katwiran ng ilan, Tagalog pa rin naman ang ubod nito at ito pa rin naman ang wika ng Kamaynilaan. Naging dahilan ito para maging isang dayuhang wika para sa maraming Pilipino ang wikang nabuo nila. Naging artipisyal ito sa diwa na pilit ang naging pagbuo ng mga salita para lamang masabing may sariling identidad ito.
Ngunit tandaan, ang Filipino ay nilayon na maging tulay lamang para mag-ugnay-ugnay ang iba’t ibang mga pulo. Hindi ito nilayon para patayin ang iba pang wika sa Pilipinas. Gunigunihin ang isang tulay na nagdurugtong sa iba’t ibang malalaking isla. Paano kung ang mga islang ito ay iwanan ng mga residente nito at manatili na lamang sa tulay o lumipat na nga nang tuluyan sa ibang isla dahil sa tulay na inilaan para magparoo’t parito ang kultura at kaalaman? Kung gayon, mabibigo ang mithiin nito na maging isang tulay na nag- uugnay. Sa halip, magiging banta ito para sa ilang nagmamahal sa isla at baka kamuhian pa nga nila ang tulay o tuluyan nang putulin ito.
Kaya naman isa sa dapat madekolonisa ay ang kaisipan na dapat nang tuluyang kalimutan ang iyong sariling wika at identidad alang-alang lamang sa pambansang identidad. Patibayin natin ang kani-kaniyang wika at makibahagi sa pagpapaunlad at pagpapayabong sa mga ito. Sa gayong paraan, mabisa tayong makapag-aambag sa paglinang ng wikang pambansa.
Ngunit nakalimutan nila na ang Filipino ay malayang nagbabago ayon sa paraan ng paggamit ng mga mananalita nito. Ito ay dapat na maging malaya at mapagpalaya. Hindi ito dapat na nakakahon sa iisang pamantayan lalo na at nananatili ang katotohanan na ito ay lingua franca o tulay na wika ng isang multilinggwal na lipunan. Natural na umaangkop sa lugar kung saan ito sinasalita. Natural na pinauunlad ng mga mananalita nito sa isang tiyak na bahagi ng bansa.
At yamang ang estruktura ng Filipino ay nakaayon sa estruktura ng wika ng isang tiyak na etnolinggwistikong grupo, ibig sabihin, ang Filipino ay hindi lamang pagmamay-ari ng isang tiyak na lugar o rehiyon. Ito ay pagmamay-ari ng bawat Pilipino. Kaya natural at normal lang na ang paraan ng pagsasalita ng Filipino ng mga Ilokano ay iba sa paraan ng pagsasalita ng mga taga- Maynila. Idekolonisa natin ang kaisipan na mali ang paraan ng paggamit ng Filipino ng mga nasa probinsiya dahil lamang ito ay naiimpluwensyahan ng kanilang katutubong wika. Utak-kolonyal ang gawing katatawanan ang mga ito at ituring pa ngang di- wasto.
Isa pang kaisipan na dapat madekolonisa ay ang maling kaisipan na ang Filipino at ang iba pang mga wikang katutubo ay hindi magagamit sa siyentipiko at intelektwal na usapan. Kaya naman karamihan ng mga pananaliksik para sa ikabubuti ng lipunan at ng mga mamamayan ay nakasulat sa wikang Ingles dahil ito umano ang wika ng siyensya at teknolohiya. Ang gayong maling kaisipan ay utak- kolonyal sapagkat nagiging dahilan ito upang ang ating karunungan at kaalamang bayan ay mas unang mapakinabangan ng mga kapitalistang bansa dahil ito ay nasa sarili nilang wika. Nagiging matayog ang tingin ng mga Pilipino sa mga karunungang dapat ay alam nila dahil ito ang paraan ng kanilang kabuhayan at pamumuhay. Lalo na sa panahong ito ng pandemya, kitang-kita na ang mga impormasyong tungkol sa COVID-19 ay mas mapapahalagahan ng ating mga kababayan kung nakasulat at ibinabalita sa kanilang sariling wika at sa wikang pambansa. Kaya naman napakahalaga ng naging papel ng pagsasaling-wika para makarating ang tamang impormasyon sa mas maraming Pilipino. Paigtingin kung gayon ang mas malawak pang paggamit ng Filipino sa mga diksursong pambansa, hindi sa pamamagitan ng trolling at pagpapalaganap ng fake news. Hindi ba natin napapansin na karamihan ng fake news ay nakasulat sa Filipino? Iyon ay dahil layunin ng mga nagpapalaganap nito na mas marami ang makabasa at mas marami ang malinlang.
Baligtarin natin ang mga bagay-bagay. Magsulat at magsalita tayo sa Filipino at mga wikang katutubo ng mga katotohanan at batay sa mga pananaliksik. Ito ay magsisilbing pangontra sa kamangmangan at sa laganap na fake news at maling impormasyon.
Marami pang paraan ang magagawa natin para idekolonisa ang kaisipan ng mga Pilipino sa pamamagitan ng Filipino bilang lingua franca. Ngunit natalakay natin sa lekturang ito ang ilan lamang sa mga ito gaya ng mga sumusunod
Una, idekolonisa ang pagtingin sa mga wikang katutubo at itigil na ang pagtawag sa mga ito bilang mga diyalekto lamang.
Ikalawa, idekolonisa ang paglalagay sa Filipino bilang wikang pamalit sa ating katutubong wika. Ang Filipino ay isang lingua franca na nilayong pagkaisahin ang mga pulo ng Pilipinas. Manatili nawa itong tulay at hindi pamalit sa ating mga katutubong wika. Kung magiging mapanakop na wika ang Filipino, para na ring wala itong ipinagkaiba sa mga wikang kolonyal. Ito ay dapat na maging wikang malaya at mapagpalaya.
Ikatlo, idekolonisa ang kaisipan na artipisyal na wika ang Filipino. Ang Filipino ay nabuo dahil ito ay ginagamit ng iba’t ibang Pilipino saan mang panig ng bansa at ng mundo. Ito ay nakabatay sa mga wika ng Pilipinas na may pare-parehong katangian bilang magkakaangkan.
Ikaapat, idekolonisa ang kaisipan na hindi maaaring gamitin sa pananaliksik at akademikong talakayan ang Filipino. Pinatunayan ng mga kalagayan lalo na sa pandemya na maaaring marinig at mabasa sa ating sariling wika ang kaalaman at karunungang magliligtas sa bayan.
Hindi nagbabago ang layunin ng pagkakaroon ng pambansang lingua franca. Ito ay magpapatuloy na instrumento para pagkaisahin ang iba’t ibang etnolinggwistikong grupo. Ito ay mananatiling wika ng malalayang mamamayan tungo sa tunay na pagpapalaya sa bayan.
Mga Sanggunian:
Almario, Virgilio S. Madalas itanong hinggil sa wikang pambansa = Frequently asked questions on the national language; salin sa Ingles ni Marne Kilates. — Manila : Komisyon sa Wikang Filipino, [c2014].
Paz, Consuelo J. 1995, 2005. Ang Wikang Filipino: Atin Ito. Lungsod Quezon: Sentro ng Wikang Filipino-Diliman.
Constantino, Ernesto A. “Mga Lingguwistik na Ilusyon sa Pilipinas.” Nasa Mga Piling Diskurso sa Wika at Lipunan. Inedit nina Pamela C. Constantino at Monico M. Atienza. Quezon City: University of the Philippines Press, 1996
Constantino, Pamela C. 2012. “Wikang Filipino Bilang Konsepto”. Nasa Salindaw: Varayti at Baryasyon ng Filipino, inedit nina Jovy M. Peregrino, Pamela C. Constantino, Nilo S. Ocampo at Jayson D. Petras, 3-9. Quezon City: Sentro ng Wikang Filipino-Unibersidad ng Pilipinas Diliman.
Ambeth Ocampo (22 August 2011). “Did young Rizal really write poem for children?”. newsinfo.inquirer.net. Philippine Daily Inquirer.
Ocampo, Ambeth. 1990. Rizal Without the Overcoat. Pasig City: Anvil Philippines.
Summer Institute of Linguistics 2021. Ethnologue Languages of the World: Philippines. https://www.ethnologue.com/country/PH.