PUBLIC SERVICE

Text, letter Description automatically generated

Reflections of a Pahinungod-UP Baguio Student Volunteer

The Ugnayan ng Pahinungod-UP Baguio’s Edukaravan is a program that brings UP Baguio faculty and student volunteers in varied schools in Benguet, other areas in the Cordillera, and neighboring rovinces. The volunteers of Pahinungod conduct lectures and skills workshops for students and teachers. The Edukaravan of Pahinungod-UP Baguio is not only enriching for students and teachers in the communities but also for UPB faculty and student volunteers.

Nique Jade Tarubal, a BA Communication student volunteer for the Edukaravan found self-fulfillment in teaching students of Sagpat, Kibungan, Benguet. She received a note from a student, and later discovered that her ink is now etched on that student’s paper. Ti Similla and Ugnayan ng Pahinungod-UP Baguio share her thoughts on her experience as a volunteer.

Text, letter
Description automatically generated

Mga Palaisipan sa Lumalalim sa Gabi

(Ang larawan ay maikling liham ng isa sa mga naging estudyante sa pagsulat ng balita sa Sagpat, Kibungan, Benguet noong Setyembre).

Nagsimula akong magsulat ng balita noong hayskul nang subukan kong sundan ang yapak ng kapatid kong news writer din noon sa publikasyon. Hindi ako natanggap para sa newswriting English, ngunit sinibukan akong sanayin ni Maam Tricia Estillore sa pagsulat ng balita (kasabay nito’y sinanay rin sa malikhaing pagsulat).

Noong Senior High, ang kapatid kong si Nicole na sinundan ko sana sa pagiging news writer ay naging isang guro at siya rin mosmong naging tagapagsanay ko sa pagsulat ng balita. “I became a journalist to come close to the heart of the world as possible,” ang wika ni Henry Luce na inilagay niya sa harap ng portfolio ko noon habang sinasanay niya ako. Paniwala ko, sa tulong ng kapatid ko at ni Ma’am Tricia ay lalo akong umibig sa pagsulat ng balita maging sa malikhaing pagsulat. Para doon ay maraming salamat.

Sa kolehiyo, bagama’t iniwasan, ay naaya pa rin ako sa publikasyon, sumulat at naging patnugot ng balita. (Ang mga blockmates koing nag-aya sa akin ay di pala tumuloy sa pagpasok sa publikasyon at iniwan ako). Salamat din kay Ate Jomay na lagi akong inuutusan noon sumulat ng balita, ngunit salamat dahil nahulma ako ng mga karanasang iyon.

Madalas ko pa ring pagsabungin sa sarili ang pagsulat ng tula at balita. Sa isa, masyadong gipit ang mga salita, may tamang sukat, may angkop na salita. Ngunit sa kabila ay Malaya, tanggap kung kakaunti o ilang libo ang salita, tanggap ang bali-balikong porma.

Ngunit isang araw, nakahiram ako sa library ng aklat na “Writing for News Media” ni Ian Pickering. Kamangha-mangha, sabi ni Pickering, na nalilimot daw ng mga manunulat ng balita na sila din ay isang “storyteller.” Sa huli’t huli, di ko pala kailangang mamili, dahil sat ula man o sa balita, ang layunin ko pa rin ay makapagkwento.

Sa pagtatapos ng Setyembre, sa pamamagitan ng Ugnayan ng Pahinungod, ay naging bahagi ako sa mga nagturo ng pagsulat ng balita sa Sagpat, Kibungan, Benguet. Dito may mga bago akong napagtanto.

Makapangyarihan pala ang maituro ang pamamahayag dahil nabibigyan ng pagkakataon ang mga tao na isapapel ang kanilang mga boses, ang kanilang mga kwento. Idealistiko, marahil, ngunit tunay. Salamat kina Kireina, Jade, Angel, Aurive at Marilou na tinuruan ko at sa iba pang nangarap na sumulat ng balita. Salamat sa kapwa ko patnugot ng balita na si Dave Iverson Cuesta, na siyang nakasama ko sa mga mapanghamong pagsulat at pag-edit ng balita.

Ang sulating ito ay hindi para ipakita ang naging karanasan sa pagsulat, isa itong paalala sa akin na tuwing mapagpapasyahan kong ako ay kulang, ay maluwag ko itong tatanggapin at haharapin dahil ganito ako nag-umpisa. Isa itong paalala na palalimin ang dahilan kung bakit ako sumusulat.

Isa itong paalala na ang tinta ay hindi lamang para sa sarili kong papel.

Tugon sa nabasang Pagninilay ng Isang Estudyanteng Volunteer habang kumakagat ang dilim

(Una kong nabasa ang pagninilay na ito sa Facebook post ng Ugnayan ng Pahinungod – UP Baguio. Bagamat ang Ti Similla ay pahayagan ng faculty, staff at REPS ng Unibersidad ng Pilipinas, ako ay nagdesisyon na isama ito at ilimbag. Kadalasan, habang abala ang faculty, staff at REPS sa napakaraming responsibilidad at trabaho, mayroon din nakakaligtaan—ang magnilay.)

Para kay Nique,

Hindi man para sa akin isinulat ni Kireina ang liham, at kahit ngayon lang kita naging estudyante, ang galak ko ay para sa mga kapwa ko guro ng Unibersidad ng Pilipinas Baguio. Natutuwa ako na nararamdaman at naiintindihan mo na ang pagsisilbi ay mahalaga. Sa pamamagitan ng pagtuturo ng news writing sa mga estudyante sa komunidad ay pagbibigay at/o pagbabalik mo ng kapangyarihan sa kanila na isulat at ilathala ang kanilang kwento.

Saan ka man makarating, dasal ko na iyong maalala na ikaw/tayo ay nabubuhay din upang magsilbi sa kapwa. Tingin ko, ang ganitong paninidigan ang patunay na ikaw ay tunay na Iskolar para sa bayan.

Ugnayan ng Pahinungod-UP Baguio is calling for more volunteers to fully realize their other public service programs.